Sunday, August 23, 2009
Ang Lakas Ng Isang Ama
Ang lakas ng isang ama ay hindi sa lapad ng kaniyang mga balikat.
Ito’y nadarama sa higpit ng kaniyang mga yakap.
Ang lakas ng isang ama ay hindi sa lagong at lakas ng kaniyang boses.
Kundi sa marahan niyang tinig.
Ang lakas ng isang ama ay hindi sa dami ng kaniyang mga kabarkada.
Ito’y sa kung paano siya makisama sa kaniyang mga anak.
Ang lakas ng isang ama ay hindi sa kung paano siya tinitingala ng
kaniyang mga ka-opisina.
Ito’y sa kung paano siya iginagalang sa tahanan.
Ang lakas ng isang ama ay hindi sa kung gaano siya katindi sumuntok.
Ito’y sa mapagmahal niyang haplos.
Ang lakas ng isang ama ay hindi sa lago ng buhok sa kaniyang dibdib.
Ito’y sa laki ng pusong tinitibok ay pag-ibig.
Ang lakas ng isang ama’y hindi sa bigat ng kaniyang binubuhat.
Ito’y sa mga kabigatang kaya niyang bathin.
Ang lakas ng isang ama ay hindi sa dami ng babaeng kaniyang pina-ibig.
Ito’y kung gaano siya katapat magmahal sa kaniyang natatanging kabiyak.
Anong gandang pamayanan at bansa sana ang meron tayo, kung ang bawat ama ay may lakas na ganito. Nakakalungkot isiping karamihan sa mga ama sa ating bansa at halos sa buong mundo, ang lakas at kisig na kanilang pinagmamayabang ay naayon sa panuntunan ng mundo.
Kung ikaw ay isang ama, hindi pa huli ang lahat para pag-ibayuhin ang iyong lakas. Kung ikaw naman ay isang ina o anak, gumawa ng hakbang para tulungan ang inyong ama upang siya'y lumakas...
Note : Ang kathang "Ang Lakas Ng Isang Ama" ay likha ng ating mga kababayan mula sa 702-D.Z.A.S
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteGoryo ikaw ba yung nasa picture???
ReplyDeleteBabae ka pala saka mukha kang 5 years old pa lang!hehhehe
Ingat
nice post...i grw up without my tatay, he was working so hard overseas. There were times that i felt inadequate and unloved but then i realized that it took him a lot of courage and strength to make that sacrifice....KUDOS to my tatay and to all of the tatays working thousand mils away from their families....
ReplyDelete@ DRAKE : sa katunayan ay ako ung ilaw sa piktyur.. ok ba sa pose at smile?
ReplyDelete@ sunny : good thing that you came to a point of realizing the sacrifices of your father.. mabuhay ang mga tatay na taglay ang tunay at totoong lakas para sa kni-knilang mga pamilya...
nice post. dapat mabasa ito ng bawat kalalakihan. Kadalasan kase ang mga ina na ang sumasalo ng mga responsibilidad ng ama, maaring dahil ay nasa ibang bansa ang ama upang kumita ng pangtustos sa kanyang pamilya, maari din namang wala talagang pakialam ang ama.
ReplyDeleteanyway, it was a really nice post! salamat sa pag-share. :)
Nawa'y pagpalain ang mga amang may natatanging lakas halintulad ng iyong panulat, isa man ako sa mga anak na di pinalad na magkaron ng amang may tamang lakas tulad ng iyong mga nilahad subali't ang lakas niang binahagi upang ako'y mamulat sa mundong ito, ay makahulugan ko pa ring ipinagpapasalamat...Dahil kung hindi marahil sakanya hindi ko rin matutunan kung panong maging matatag sa kabila ng kawalan nia ng mga ganyang lakas, akin lang dalanagin harinawa'y, ngayon san man cia naroroon nawa'y may sapat na ciang lakas sa kung sinuman ang pamilya niang tinataguyod....thanks for sharing it would be inspiring to those man's of strenght.
ReplyDelete@ Apple : tama ka, magandang mapaalalahanan ang mga ama ng tahanan lalu na yung mga nakakalimot na sila ay "AMA"..
ReplyDelete@ SEAQUEST : nauunawaan ko kung saan ka nagmumula.. nawa ang lakas at dunong na iyong natutunan mula sa mapanghamon mong karanasan ay maibahagi sa iyong mga kaibigan tito, lolo at maging sa iyong ama... mabuhay ka kaibigan...
si papa...
ReplyDeleteOFW.
kahit tahimik yun (pag di naka-inom) alam kong nakasubaybay sya sa amin.
kahit laging patawa, alam kong seyoso sya sa mga bilin nya...
salamat!
naiiyak naman ako dito, namiss ko lalo tatay ko. :P
ma-inam na post!
sana lahat mabasa ito...
bumisita sa isa mo pang tambayan!
:P
@ gege : mabuhay ang mga bayaning katulad ng papa mo.. kaka-touch naman.. =)
ReplyDeletehello Goryo. salamat sa laging pagbisita sa blog kong www.ovahcoffee.com at sa laging pag-iiwan ng comment. touch naman ako. =)
ReplyDeleteanyway, sana nga, lahat ng tatay eh ganyan. kaya lang, sabi mo nga, sa katotohanan, hindi eh. mas marami yatang di mabuting ama kaysa sa mabubuti. nakakainis naman!
Wow Kuya Giryo I love your poem! Very meaningful!
ReplyDeleteNostalgic Marveling
Etcetera Etcetera
Spice up your LIFE!
Obstacles & Glories