
Ang OFW lumilipad at nagtatrabaho sa ibat-ibang bansa para magkapera
Ang Buwayang Pulitiko tumatakbo sa ibat ibang posisyon sa sariling bansa para magkamal ng pera
Ang OFW nagpapa-alipin sa ibang lahi at tinitiis ang pagkawalay sa pamilya
Ang Buwayang Pulitiko inaalipin ang mahihirap sa pagpapasarap sa buwis ng bayan kasama ang kulasisi at ng ibat-iba niyang pamilya
Ang OFW kumakayod sa ibang bansa para makapag-uuwi ng dolyar dito sa ating bayan
Ang Buwayang Pulitiko nangungurakot sa sariling bayan tapos inilalabas at binabangko ang nakulimbat na pera sa ibang bansa
Ang OFW pinalalakas ang ekonomiya ng bansa dahil sa dolyar na ipinapasok
Ang Buwayang Pulitiko, pinahihina ang ating ekonomiya dahil sa perang kinukulimbat at inilalabas
Ang OFW nagsisikap at nagpupursigi para maitaas ang antas ng kabuhayan ng pamilya
Ang Buwayang Pulitiko ay malaking dahilan kung bakit patuloy ang pagbagsak ng antas ng pamumuhay ng mga maralita
Ang OFW madalas kapit sa patalim
Ang Buwayang Pulitiko kapit-tuko sa pwesto
OFW vs. Buwayang Pulitiko
by goryo dimagiba : copy right © 2009
couldn't agree more...
ReplyDeletetumpak! buhay nga naman! nga pala goryo add kita sa list ko!
ReplyDeletelolo goryo, buaya ako pero d ako politiko, OFW po ako. (BUAYA kase middle name ko)...magandang AHON, pinoy....
ReplyDeleteHAHAHAH!!!!! tama lang kasi malaki ang bunganga ng mga buwaya. bweheheh! tamang-tama para makakuha ng maraming pagkain. parang mga pulitiko, puro pagkamal ng pera ang inaatupag.
ReplyDeleteYou bet kalabet!
ReplyDeleteAng OFW gatasan ng gobyerno, ang OFW walang namang napapala sa gobyerno.
Tayo ang napapakahirap at sila naman ang nagpapakasarao!
Hays buhay nga naman
Ingat
@ Apple : some may agree, some may not, pero ito ang reyalidad..
ReplyDelete@ sunny : salamat sa pag-add mo sakin... sana sumikat na ang liwanag ng pag-asa sa ting bayan
@ SCOFIELD JR. : ibang ispeling naman ang apelyido mo sa character ng mga nawawala sa wisyong pulitiko sa ating bansa.. tama ka AHON PINOY!!!
ReplyDelete@ Rcyan M. : astang buwaya at mukhang buwaya talaga sila.. sana magbago na sila... sana...
@ DRAKE : sana magising na sila sa pagkakatulog.. sana mamulat na sila sa pambubulag na nagmula sa pagsamba nila sa salapi...
Haha! Amen ako diyan! jijijijijij
ReplyDeleteWord verification: gastosha- wahahahahahha... sino kaya ang gagastos? jijijijij
@ I am Xprosaic : ang gagastos ay sha... (ano daw? hehehe)
ReplyDeleteganda naman ng post na ito very realistic!
ReplyDeleteang gandang articulo para sa mga namumunong buwaya sa pwesto para lang magpakasasa sa yaman ng bayan. Good points.
ReplyDeleteSalamat sa pagpost lolo goryo.
Ang OFW cool and Buwayang Pulitiko not so cool...
ReplyDeletebakit may OFW? marahil, dahil na rin sa mga buwayang pulitiko na yan.
ReplyDeleteOFW, astig. Buwayang pulitiko, matigas ang mukha.
@ chubskulit : maganda siya pero sa masmalalim na aspeto nakakalungkot.. =(
ReplyDelete@ chiel : sana may makabasang buwaya at kung may puso at kalulwa pa siya malamang manliit siya sa mga pinag-gagawa nya.. maging butiki siya para masmadaling tirisin..
@ OHMYGUMS : hindi lang not so cool ang buwayang pulitiko.. not cool and beri-bad, bad breath pa.. ahahaha (galit taaga eh noh?)
ReplyDelete@ manik_reigun : may point ang tanong mo.. alam mo kung tapat lang sana at tunay na mahuhusay ang ating mga pinuno.. madidisiplina nila ang taong bayan.. at pag nagkaisa at nagsama-sama tayo.. magiging masmayaman pa tayo sa maraming bansa masmayaman pa sana tayo sa Japan...
Ang nakakalungkot lang, naglipana ang mga BUWAYANG PULITIKO sa Pilipinas :(
ReplyDeleteagree ako dyan, bato bato sa langit tamaan wag magalit..
ReplyDelete