Thursday, July 30, 2009
Sabi Nila
Sabi ni singkit tayo'y mga chimay,
Sa ating kasay-sayan, ito yung aliping-namamahay..
Sabi ni Sakang tayo'y mga libangan,
Hosto at Japayuki, ang tawag kadalasan..
Sabi naman ni balbas, tayo'y parausang alipin,
Pauuwiin kang nakakahon matapos abusuhin..
Sabi ni puti ang Pinoy daw ay bobo,
Wala siyang tiwala sa pinag-aralan mo..
Marami sa ating paaralan, hindi niya kinikilala
Sa bansa ni puti, diploma mo walang kwenta..
Sabi rin ni puti, kalakal ang ating katawan
Mail Order Brides, pinapa-deliver niya lang..
Sabi ng mundo, nangunguna ating mga pulitiko,
Sa pandarambong, kurapsyon at panloloko..
Ikaw, bilang Pinoy ano ang masasabi mo,
Sa sinasabi ng ibang lahi patungkol sa 'yo?
Masasabi mo pa bang, wala yan sa LOLO ko,
Kung ganto' ang imahe ng Pilipino sa mundo?
Ano ang ginagawa ng ating liderato para matigil na ang pangungutya ng ibang lahi sa 'tin? Bakit nila hinahayaang tayo ay lait-laitin? Kung may mga trabaho lamang sana sa ating bayan na may magandang pasahod... hindi na kaylangan pang mangibambayan, lumayo sa pamilya at mag-paalipin sa ibang lahi ang marami sa ating mga kababayan...
Sabi Nila
by goryo dimagiba : copy right © 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Makailang beses ko na rin narinig yan mismo sa iilang banyagang nakakausap ko... hindi ko sila masisisi dahil sa mga nakikita nila sa ating paligid. Ngunit sa kabilang banda napatunayan ko rin sa kanila na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nananatiling ganyan ang mga Pilipino...
ReplyDelete@ I am Xprosaic : sa tingin ko kayang kaya nating baguhin ang pananaw ng ibang lahi patungkol sa atin.. mag-uumpisa sa mga pinuno pababa.. Kaya tayo may mga LEADER for them to LEAD us..
ReplyDeletetowards Prosperity, towards goodness, towards strength, towards respect, towards dignity...
Umpisahan ang pagbabago sa ating mga sarili. Hanggat me mga pinoy na di marunong magtanggol sa lahi natin ang pangungutya satin ng mga banyaga ay magpapatuloy. Dapat taas noo Pilipino!
ReplyDelete@ Yen : honga, dapat sa sarili mag-umpisa.. sana i-inspire tayo ng mga taong namumuno satin... sana
ReplyDeletehello goryo...
ReplyDeletesalamat nga pala sa pagbisita ng blog ko kahit na nasa bakasyon ako ng isang buwan at di makapagblog araw araw.
sa karanasan ko dito sa sweden, masasabi kong, hanga ang mga taga rito (hindi lahat... pero, at least, karamihan) sa tagumpay ko. sabi nga ni Yen na isa sa mga nag comment dito sa post mo,umpisahan sa sarili ang pagbabago.
marami ang di pa rin makapaniwala na in less than two years, natapos ko ang lahat ng language requirements dito sa sweden. noong 8 months pa lang ako rito, nabigyan agad ako ng summer job (lahat, nagtaka at ang iba ay nagreklamo). matapos ang summer job ko, isa ako sa mga ambassadors ng mga kabataan - both swedish at mga immigrants. in less than two years, nabigyan ako ng permanent visa dito, next year, pwede nakong mag apply ng swedish or dual citizenship... at marami pang ibang accomplishments.
sa aking palagay, for as long as napatunayan ko na karapat dapat kong matanggap ang respeto mula sa ibang tao, people will respect me bilang ako at bilang Pilipino.
ahmmm.. I agree! hehe.. yun lang ang nasi ko noh.. wahahaha.. nasabi na kasi ni ate Maxi.. :)
ReplyDeleteyung respeto poh kc pinaghihirapan yun tsaka pinapanindigan.. kung sa mga ginagawa at kinikilos mo ay di kaaya-aya sa etika at mata ng publiko, malamang, di mo makukuha yung respeto na gusto mo...
dapat matuto tayong mga pilipinong mamuhay ng marangal para narin sa sarili natin at sa bansa.. =)
@ Maxi : natutuwa ako at may mga kababayan tayong kagaya mo. namamayagpag sa tagumpay sa ibang bansa..
ReplyDeletengunit iniisip ko ang ilang mga bagay:
-- kung may mga magagandang opurtunidad dito mismo sa loob ng ating bayan, malamang mababawasan ang nagtitiis mawalay sa pamilya na nangingibambayan pa upang kumita ng malaking halaga.
-- bakit hindi kayang mag-provide ng ating bayan ng magagandang uri ng trabaho na may maayos na pasahod gaya ng HongKong, Singapore, Japanm at marami pang bansa?
-- mayaman pa ang ating bayan sa natural resources kumpara sa Japan. Bakit di hamak na masmaunlad ang mga Hapon kumpara sa atin.
-- Napaka-liit na bansa ang HongKong. Baka 1/4 lang siya ng Luzon, pero bakit halos anim na beses cyang masmaunlad at masmayaman sa ating bayan.
-- bakit sa mata ng ibang lahi mas nama-magnify ang mga Pinoy na nagpapa-alipin sa ibang bansa at hindi gaano mga matagumpay na kababayang natin kagaya mo? hindi kaya dahil masmalaki ang bilang ng mga nagpapa-alipin kesa sa mga nasa corporate world?
-- in general, parang hindi talaga nirerespeto ng ibang lahi ang Pilipino. merong ilan pero ang karamihan ay hindi.
@ patola : tama ka jan.. kung nakikita lang sana nang ibang lahi na karispe-rispeto tayo pihado wala tayong maririnig na mga pangungutya mula sa kanila..
ReplyDeletehindi naman nila tayo kukutyain kung wala silang basehan at kung wala silang nakikita diba?
@ I am Xprosaic : napatunayan ko rin sa kanila na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nananatiling ganyan ang mga Pilipino... --> mahusay ito kabayan. Dapat ngang patunayan natin sa ibang lahi na dapt igalang at irespeto ang lahi ni Juan..
ReplyDelete@ Yen : tama, dapat patunayan natin sa Ibang Lahi na dapat nila tayong irespeto. ipagtanggol ang karangalan ng Pinoy.. Taas Noo!! =)
ang galing ng post mo lo ah! hehehe :)) proud pa din ako na pilipino ako, anu man sabihin nila.
ReplyDeletemasaklap pero totoo ang mga nabanggit mo.
ReplyDeletepero sa totoo lang, tayo rin ay may mga masamang perspektibo sa mga ibang bansa, at lahi.
pero ang mahalaga, ay kung ano ang tingin natin sa ating mga sarili. at kung ano ang gagawin nating pagbabago para sa ikakabuti.
walang magmamahal sa Pilipinas, kundi ang Pilipino rin.
galing ng post mo lolo. hehe..
ReplyDeletemay ganito ka palang blog. nice.
@ kox : tama ka kox, wag tayong manliit sa pinagsasabi ng ibang lahi tungkol satin.. patunayan natin na mali sila at yung mga bagay na may katotohanang sinasabi nila ipakita natin na kaya nating baguhin ang mga yun!! mabuhay ang Pinoy!!!
ReplyDelete@ manik_reigun : pero ang mahalaga, ay kung ano ang tingin natin sa ating mga sarili. at kung ano ang gagawin nating pagbabago para sa ikakabuti. - magandang pananaw ito kabayan, tama ka dito..
ReplyDelete@ chikletz : ako din diko alam na may nato' pala akong blog.. buti pinaalala mo.. (hehe)
sana nga dumating ang araw na ang pagttrabaho sa ibang bansa ay isang career option nalang at hindi only option. (galing ke gma to - anlabo no? samantalang siya naman ang gumagawa ng rason para maging dependent ang kabuhayan natin sa ibang bansa. tsk tsk)
ReplyDeletethis is a stubborn fact. but the good news is.. we can do something about it! gaya nga ng mga nasabi nila.. kelangan natin simulan sa mga sarili natin ang pagbabago! and its happening now! kaya yan! :)
Totoo ang nilalaman ng tula mo Goryo. kakalungkot lang isipin na ganun ang tingin ng mga dayuhan sa atin.
ReplyDelete@ gesmunds : napapag-iwanan na tayo ng maraming bansa sa Asya. Japan, Singapore, Malaysia, etc.. Kung nagawa nilang umahon sa kahirapan.. bakit tayo di natin kaya? Ano ang meron Sila na wala tayo? (Matinong Gobyerno)
ReplyDelete@ Yami : dahil ganun ang ginawa ng ating pamunuan, yun hinayaan nilang makita ng ibang lahi.. kung tutuusin masisipag ang mga Pinoy.. Handa nga silang magsikap sa ibang bansa kahit malayo sa pamilya para lang umunlad ang buhay..
salamat sa pagdalaw mo sa bahay ko.
ReplyDeletenakakarelate ako sa post mo kase lahat ng kapatid ko ay umalis ng bansa para magtrabaho sa ibang bayan at buhayin mga pamilya nila.maswerte lang siguro ako kase maayos ang trabaho ng mister ko.
hindi makaahon ang bansa natin sa kahirapan kase hindi naman inaasikaso ng mga pulitiko kung paano tayo makakaahon. ang pinagkakakabalahan lang kase nila ay kung paano sila yayaman at madagdagan ang kapangyarihan nila. kaya ang nangyayari ay kanya-kanya tayong gawa ng paraan kung paano mabubuhay kahit na nga magpaalipin sa ibang lahi. haaay!
wala tayong maaasahan sa gobyerno natin kaya tama silang lahat magsumikap tayo. ang pag-unlad at pagbabago ay mag-uumpisa sa atin. ganito man ang nangyayari sa Pilipinas, taas noo ko pa ring sasabihing PILIPINO AKO!
hello panyerong goryo...
ReplyDeletebullseye na naman sa totoong sitwasyon sa buhay ng pinoy...iba talaga ang pinoy!
dapat din makilala higit sa lahat sa talino, galing, husay at talento...pero dahil mas nakikita ang kahinaan natin kesa sa galing na taglay kaya tumatatak sa mga banyaga na halos karamihan ng pinoy ay sakop ng hindi magandang imahe..
tama din na nasa atin ang pagbabago..kung walang nakikitang pangit may mapupuna ba?
at saka nga pala salamat sa dalaw mo sa bahay ko, at masasabi natin buhay pa si gloria arroyo..marami lang talagang gusto siyang ilibing ng buhay...
mabuhay ka panyero!
ang lupet ng tula. nicely said. astig ka goryo! -bits & pieces
ReplyDeleteelow po kuya , dumadaan lang po ^_^. At wala pa po akong naisip na beauty tips pra sa ating bayan hehe . :)
ReplyDeleteMakabayan ka rin pla pre! Halos maiyak ako nun bumalik ako Riyadh para magtrabaho. Inisip ko nun bakit kailangan ko pang umalis ng bansa at iwan ang pamilya. Alam ko naman ang sagot sa tanong ko, kaya umiyak na lang ako uli.
ReplyDeletemay tula din ako. Share ko lang:
SUPERMAN
Sa buhay nating masalimuot,
Sa lipunang puno ng sigalot
Ibat-ibang hiwaga ditoy bumabalot
Akoy nalilito, akoy natatakot
Darating pa kaya ang umaga
Na akoy gigising na masaya
Sa mundo na puno ng pighati at dusa
Sana akoy makalaya na
Lipunan nating marumi at mabaho
Itoy digmaan ng mga aba at tuso
Mga dukha at api ang naninibugho
Mga bulsa ng tuso ang napupuno
Luha nami’y natutuyot na
Katawan naming napapagal pa
Bakit parang di kami giginhawa
Kami’y nauubusan na ng pag-asa
Mga matatalino pa man sila
Bakit para silang mga tanga
Away dito at puro pagaakusa
Para silang mga kontrabida
Mawawala pa kaya ang hirap ng ating bayan
Mauubos pa ba ang mga kawatan
Matatapos pa kaya ang mga nakawan
Mukha ang pag-asa ko na lang ay si Superman
Mag-ingat ka Superman
Malakas ang iyong kalaban
Tatalunin ka nila ng kanilang yaman
Gagamitin nila ang koneksyon at kapangyarihan
Ipagtanggol mo kami Superman
Iligtas mo kami sa mga mapanlinlang
Baguhin mo ang aming bayan
Kailangan ka namin Superman.
____________________________
Si Superman ay isang karakter na nagmula sa komiks. Isa itong superhero mula sa malawak na imahinasyon ng manunulat. Nabuo si superman noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig. Malawak at marami ang sinisimbulo ni Superman sa Tula ko.Para sa akin Maaaring ito ay pag-asa na magbabago ang bayan natin. Maari ring kawalan ng pag-asa sapagkat umaasa na lang tayo sa himala o sa mga bagay na di totoo. Maari ring isang matinong mamumuno ng bansa na maaring mag-ahon sa putik ng kahirapan. Maari ring tayong mga mamamayan para magsasma sama para sa pagbabago. Maaring ikaw o ako na pwedeng maging isang superhero katulad ni superman. Maaring ring kunsensya sa ating mga namumuno sa bansa. O maari ring ang Dyos yun, kumabaga inaasa na lang natin sa Dyos. Malawak at maraming kahulugan nito, tanging nasa mamabasa na lang kung ano sa kanila si Superman sa lipunan natin. Ito ang gusto kong iwanan sa bawat bumabasa ng tula ko at magtanong kung sino si superman o kung may superman pa ba ngayun? At tanging ikaw lang din ang makakasagot ng tanong mo sa iyong sarili.
pre haba ng comment ko!sensya na!add ko ito sa blog list ko! Ito nga pla yung primary blog ko:
ReplyDeletehttp://utaknidrake.blogspot.com
@ DRAKE : napakahusay ng iyong likhang tula kaibigan.. simple ang mga salita pero malalim.. tumatama.. sana mabasa ito ng mga kinauukulan para sana makatulong para sila ay matauhan...
ReplyDeletemabuhay ang mga Pilippinong Superman!!!
add din kita dito sa listahan ng aking Pinoy Pinay Blogista (Blog Roll)
Two thumbs up sa tula mo kaibigan.. salamat sa pagbabahagi nito samin
mukhang wala nko mapupuntahan ha,puro lahat may pintas ? hehehe, pero tama si pareng goryo mahalaga kung ano ang tingin natin sa ating sarili...
ReplyDelete@ Rossel : ang mga kapatid mo ay kasama sa mga unsung heroes ng ating bayan.. mabuhay sila!!!!
ReplyDelete@ It's me Tey : tama ka, dapat makita ng mundo kung sino talaga ang Pinoy, kung ano ang tunay na kakayahan ng totoong Pinoy!! yung mga pulitikong mga buwaya hindi totoong Pinoy ang mga yan. Mga impostor lang sila
@ jan celiz-magtoto : malupet kasi mangurakot ang mga Politicians natin.. Astig silang mambuwaya.. :(
ReplyDelete@ twisoul888 : Ok lang un.. Salamat din sa pagdalaw =)
When I read this blog, it came to a point that I stop and think deeply about it. I know and I am aware about those discrimination on our country but I just never mind it. Now, I realized that we will start in our own self ( I agree to the comments above ). We just give our best shot and let us prove, even for ourselves, that what they think about Filipinos is wrong.
ReplyDeletepadaan goryo...tae di ko to naiisip ah! heheheh! nice points!
ReplyDelete@ bosyo : dito ka lang sa ating bansa dre.. gamitin ang lakas, kakyanan at talino para patunayan sa buong mundo at sabihing:
ReplyDeleteHOY! Pinoy ako..
Buo ang aking loob..
May agimat ang dugo ko..
Mabuhay ang Pino!!
@ demonyitogwapito : kayang kaya bastat sama-sama.. =)
ReplyDelete@ sunny : salamat sa pagdaan at sa pagbahagi ng iyong sinag SUNNY..
lolo, dapat may chatbox kn :)
ReplyDeleteMaraming salamat sa pagdalaw. Tama si kox, sana me chatbox kana. =)
ReplyDeleteAng masasabi ko lang ay Queber! ...they can say whatever they want , ang importante eh pagbutihin natin ang sarili and prove them wrong.
ReplyDelete@ Yen & OHMYGUMS : hayaan nyo't aasikasuhin ko ang chat box this weekend.. chat chat tayo dun ha.. hehehe (salamat sa pagdalaw)
ReplyDeletehello goryo, binibiista lang kita dito. galing mo naman magsulat nang post. hehe
ReplyDeletei hope you can visit my blog of sahmo /
rosamuth / life in palawan / istar blog / chikka blog / express liife / baby blog and pink precious
gaNda naman ng tuLa...
ReplyDeletetUnay na tUnay...
@ Rosa & mavs : salamat mga kababayan sa inyong mainit na pagdalaw.. mabuhay!!!
ReplyDeletethumps up! nice ng poem mo..
ReplyDelete@ eden : sana lang magising ang dapat magising sa kathang ito..
ReplyDelete