Saturday, June 13, 2009

Mumunting pangarap ni Pepe





Litratong Kuha ni jtgimenez


Pangarap ni Pepe, tahanang maayos ang bubungan,
    hindi yung tumutulo kapag umuulan

Pangarap ni Pepe, masustansiyang pagkain sa hapag-kainan,
    hindi yung asin at mantika ang kadalasang ulam

Pangarap ni Pepe, maayos at bagong kasuotan,
    pandagdag sa mga damit niyang pinaglumaan

Pangarap ni Pepe, bag na may drawing na TRANSFORMERS sa likuran,
    hindi yung punda ng kanyang unan

Pangarap ni Pepe, maubos agad ang tindang kandila at sampaguita,
    upang makapaglaro din kahit sandali lang

Pangarap ni Pepe, ROBOT na laruan,
    isasakay niya sa kanyang latang trak-trakan

Pangarap ni Pepe, ispageti at hambur-jer kanyang matikman
    kahit minsan lang sa kanyang kaarawan


Ilang Pepe pa ba, ang nanakawan ng karapatan? Ilang Pepe pa ba ang hihimlay nang hindi man lang nasisilayan ang pag-asa para sa kanyang mga pangarap?

Mumunting Pangarap ni Pepe
by goryo dimagiba : copy right © 2009

36 comments:

  1. galeng ng poste mo parekoy, sana nga maabot ni pepe ang mga simple nyang pangarap...


    ayos dito gori, babalik ako dito..

    ReplyDelete
  2. marami pa, marami pa.

    pero sana mabawasan.

    ReplyDelete
  3. @ tonio : salamat pareng tonio, kahit ganto ang kalagayan ng Abang bayan natin, naniniwala ako na may pag-asa pa rin ang pangarap ni Pepe.

    @ HARI NG SABLAY : Sana nga mabawasan na, sa lalong madaling panahon...

    ReplyDelete
  4. hello. salamat sa pagbisita sa blog ko.. and oo.. babae nga ang may ari kasi napaka girly ng colours. hehe.

    first time ko ritong bumisita ah. galing naman ng mga posts. sana, di na masyadong maraming batang maghirap. kakaawa kasi eh.

    kung gusto mo, exlinks tayo...

    ReplyDelete
  5. @ Maxi : salamat sa pagdalaw at salamat din sa imbitasyon.. karangalan kong makipag-xlink syo kaibigan.. hehe

    ReplyDelete
  6. ay. ang bilis naman! nalito ako sa name mo ah. pepe ba or goryo. hehe.

    salamat sa exlinks. na add narin kita sa blogroll ko. balik ulit ako dito bukas!

    ingat palagi...

    ReplyDelete
  7. kapag napadaan ang mga hunghang na tongressman na yan dito sa site mo, tignan ko lang kung di rin sila mapa pepe..nyeheheheheehehe...salamat sa pagdaan sa site ni payatot...add kita sa blog roll ko..

    ReplyDelete
  8. @ payatot : ma-pi-pipi ang mga tong-gresman na bwaya dito.. bug-bog sarado sila saatin.. ahahay..

    ReplyDelete
  9. madalas akong bumibili ng sampaguita ke pepe pati na rin ke nene...salamat at naisipan mong bigyan ng pansin ang mga tulad nila.

    ReplyDelete
  10. @ nancy : salamat din at pinapatronize mo ang paninda ni Pepe...

    ReplyDelete
  11. Wow. Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe. :)

    ReplyDelete
  12. Hi Kuya Goryo, salamat po sa pagbisita in one of my blogs.. i am following your blog now...

    ReplyDelete
  13. ang ganda naman ng post na ito. :) sana naman ang buhay ni pepe ay sumaya na..

    ReplyDelete
  14. @ chubskulit : salamat at napadaan ka

    @ aLgene : nakakalungkot dahil ang mga taong pinagkatiwalaan nating gumawa ng inisyal na mga hakbang para mabago ang kalagayan ni Pepe, sila pa mismo ang umaagaw sa Mumunting pangarap ni Pepe.

    @ an_indecent_mind : salamat at sinilayan mo ang kalagayan ni Pepe

    ReplyDelete
  15. nakakalungkot...sana mapagbigyan ang munting hiling ni pepe....

    ReplyDelete
  16. Nakakalungkot na katotohanan ng buhay. Pero wag natin lahat isisi ang kaabahan ng marami pang "pepe" sa daan, duon sa mga taong nakaluklok sa pwesto.Isipin natin na meron din tayong pananagutan sa kapwa natin.umpisahan natin ang pagbabago sa ating mga sarili at tigilan na natin ang turuan.

    ReplyDelete
  17. @ Yen : Sa aking pagmamasid, napuna ko na ang tanging nais ng mga indibidwal na Pilipino ay pagbabago sa sarili at sa buhay. Kung papansinin mo ang daming Pinoy ang nangingibambayan at karamihan sa kanila ay nagpapaalipin sa ibang lahi. Patunay ito na totoong masisipag ang ating lahi at handang gawin ang lahat para maiangat ang antas ng buhay kahit pa umabot sa puntong lunukin ang kanyang dignidad.

    Nagagawa ito ni Juan dahil walang oportunidad siyang matagpuan sa Kanyang bayan. Yung ibang walang kakayanan mangibambayan, napupunta sa ilegal na gawain dahil kumakalam ang kanyang sikmura subalit wala siyang matinong tarabahong maaring nyang pagkakitaan. Kung pag-babago sa sarili rin lang ang kaylangan matagal ng yan ang ginagawa ni Juan, subalit sa kawalan ng pag-asa, walang liwanag; nauuwi siya sa kung anu-anng gawain.

    ReplyDelete
  18. sana hindi hangang pangarap lang ang lahat!

    ayos toh! :)

    ReplyDelete
  19. ui salamat sa pagbisita kahit ako'y d ko din alam kung pano magcomment sa entries ko.jeje.salamt at naitanong mo..auzin ko nlang ang template ko..take care...

    ReplyDelete
  20. @ leley : nag-comment na ako ATE.. hehehe

    ReplyDelete
  21. ako sa Pepe tulangan nyo ko :-D

    ReplyDelete
  22. ang hirap ng ganito..
    wala tayong magawa kasi hindi ako sing yaman ni bill gates..
    wala akong magawa kungdi ang magbilang ng tulad niya..
    ilan pa kaya?
    nakakalungkot.....

    ReplyDelete
  23. @ Jepoy : maraming naging kagaya ni Pepe sa lugar na ito, sa kabutihang palad ang ilan ay nabago ang kapalaran...

    @ keko : kung ginagamit lang sana ng tama ang mga nakokolektang buwis, malaking posibilidad na maaaring makapagpatayo ang gobyerno ng kahit maliliit na government-owned company. Sa ganung paraan, kumikita na ang gobyerno may ma-e-employ pa ang ating mga kababayan.

    ReplyDelete
  24. Kawawa naman si Pepe... Sana maaabot nya ng ayung pangarap... Sana

    ReplyDelete
  25. You are one of the top on JASONIZERS BLOGSPOT : )

    ReplyDelete
  26. @ I am Jewel : sana nga Jewel.. sana..

    @ JasOnizeRs : salamat parekoy at isa ako sa TOP sa isa sa iyong mga tambayan..

    ReplyDelete
  27. May seryosong side ka naman pala...

    ReplyDelete
  28. @ Jez : Madami akong side (multi-sided). pwedeng, inside, outside, Side by side etc. Seryoso, Payaso, Aso, Lampaso, maso, lahat ng so and so.. ahihihi

    ReplyDelete
  29. sir goryo, wala kang premyo..hehe.. kasi mali. d ko naman tinatanong kung pang ilang presidente si gloria.. ang sabi ko inglisin mo ang tanong ko.. pang ilang presidente si PGMA sa Pilinias? translate in english. hehe

    ReplyDelete
  30. uhmmm.. premyo mo?

    hali ka dito samin, libre kita ng sangkaterbang mani at kahit ilang galon ng toma gusto mo. eheehee...

    ok nba yan?

    ReplyDelete
  31. panu ba yan sir.. may nag react eh.. mali ka daw. hehe

    ReplyDelete
  32. magaling, mahusay ang iyong blog, nakaka antig ng damdamin,,,hehehehe

    ReplyDelete
  33. @ bosyo : sana maramdaman ng mga bumabasa ang bawat letrang naiguhit at iguguhit pa sa espasyong ito.. =)

    ReplyDelete