Wednesday, October 7, 2009

Itim Na Kaldero




Ang flip-flops ko'y makapal na Rambo
Ito ang nakayanan ng budget ko
Naipon mula sa pinagbentahan ng munggo
Siyang ulam din namin ng isang Linggo

Ang bulsa ko ngayon ay humihingal
Sa tinapa na dati kong almusal
Maging pritong tuyo ngayon ay matumal
Dahil sa halaga ng perang sa mga buwitre ay banal

Talbos ng kamote ay masustansiya
Kahit pa uma-umaga
Kasabay ng Sinangag na dating tutong
Pamatid gutom sa maghapon

Limam-piso bawat galon kung umigib
Panulak ko'y pinakuluang tubig
Ang tingang kumapit sa gilagid
Tinangay ng panulak kong masigasig

Ang lechong pangarap ng dila
Inagaw ng makapangyarihang buwaya
Kinulimbat ang imbakan ng masa
Kayat pagkain nya'y abot ngala-ngala

Kelan kaya ako makakatikim
Ng pang-maharlikang pagkain
Kung ang puso ng mga kumukup-kop sa amin
ay Parang sa kalderong ubod ng itim...


Itim Na Kaldero
by goryo dimagiba : copy right © 2009


17 comments:

  1. masanay na tayo pre, ang mahirap lalo lamang maghihirap kung patuloy na aasa sa mga buwayang nakapaligid sa kanya...

    ReplyDelete
  2. may punto ka jan pareng lordcm..

    pero kung ididilat lamang natin ang ating mga mata... makikita natin ang katotohanan... hindi tayo ang umaasa sa sa kanila... sila ang umaasa sa atin... sa ating mga buwis.. isipin mo nalang singkwenta mil ang sahod ng pangulo... trentaysingko-mil lang ang sahod ng senador.. pero bakit nagkakandarapa sila para sa posisyong magkano lanag ang sweldo..

    magkano ang pork barrel nila? Milyon!!! Milyong-Milyong pork barrel na hindi na kelangan i-audit.

    At yun ang inasahan nila sa atin.. SILA ang umaasa sa atin!! sa buwis na napakadaling kurakutin..

    ReplyDelete
  3. Umaasa sila sa atin, umaasa tayo sa kanila, parehas lang...dahil ung buwis na nakukurakot nila eh umaasa pa tayong may magandang kakahinatnan kahit alam na natin ang sistema...

    Sila ang namumuno sa bansa natin, nagbabayad tayo ng buwis, kapalit ng magandang sistema sa pinas...kaso WALA! pangarap na lang ang inaasahan natin, so bakit pa tayo aasa sa kanila?

    ReplyDelete
  4. umaasa sila sa atin at may naasahan sila... umaasa tayo sa kanila para sa mgandang pamumuno pero wala tayong naaasahan.. HINDI PREHAS yan..

    si Jose Rizal nangarap siya na makamtan niya ang magandang klase ng pamumuno pero hindi siya nagsawalang kibo. Kinalampag niya ang trono ng mga namumuno.. may mga ginawa siyang hakbang dahil naniniwala siyang may pag-asa.. SUMULAT SIYA..

    ang pag-asang yun ay nananalaytay sa dugo ng mga TUNAY na Pilipino.. Si Ninoy.. hindi rin siya nagsawalang kibo.. gumawa rin siya ng paraan para kalampagin ang trono ng mga naghahari-harian..

    wag tayong pumayag na gawin nila tayong parang mga batang inagawan ng kendi at nagsawalang kibo..

    Kaduwagan ang ganyan!!

    ReplyDelete
  5. Kaylanman ang HINDI PAGLABAN ay HINDI KADUWAGAN...Natuto lang ako sa mga nakaraan na nabanggit mo...

    Si Rizal na sumulat para kalampagin ang mga namumuno, ganun din si Ninoy dahil naniniwala silang may pag-asa pa. At hanggang ngayon ay nananalaytay pa rin ang PAG-ASA na yun sa dugo ng bawat Pilipino...PERO itoy nananatiling PAG-ASA at WALANG KATUPARAN kahit wala na ang mga taong nakipaglaban para dito...

    Karamiha'y nakikipaglaban para sa PAG-ASA na maaayos pa ang PINAS, paglaban sa paraang magreklamo at kalampagin ang mga namumuno...bakit hindi natin umpisahan sa sarili natin ang pagbabago? Gumawa ng tama at hindi puro reklamo! Imbes na sumulat para sa Gobyerno, gumawa ng alam mong ikakapagpabago ng sistema ng Pinas..

    Daang taon na kasi na patuloy tayong nakikipaglaban para kalampagin ang mga namumuno, hindi pa ba sapat un para isipin nating walang kahihinatnan ang pakikipaglaban sa mga namumuno? Wag na tayong umasa na may pagbabago sa mga namumuno, asahan na lang natin ang sarili natin para sa pagbabagong matagal na nating hinahangad...

    At kung muli akong aagawan ng kendi, ako'y magsasawalang kibo kung ito'y nararapat...Lalo't may isa pa akong kendi, o kaya nama'y sobra sobra ang kendi ko...sana nakuha mo ang gusto kong iparating...at HINDI IYON KADUWAGAN...

    Galing!Salamat sa diskusyon, nag iisip na ako lolzz

    ReplyDelete
  6. The photo remind of the place I have been to in the Philippines..

    I am trying to generate some support for our daughter. I entered her into a Smile Contest, so if you could please cast a vote for her every day until October 31st it would be so much appreciated. To cast your vote, please go to this link. Please look for Jillian Rylie Cottrill. Thank you very much for all your help!

    ReplyDelete
  7. @ lordcm : nirerespeto at ginagalang ko ang pananaw mo parekoy.. maganda ngang umpisahan sa Sarili.. subalit wag pa rin sana tayong mawalan ng pag-asa.. ika nga nila.. habang may buhay may pag-asa.. mabuhay ka lordcm..

    @ Joops : thanks for visiting my humble place.. i'll be casting as many votes as i can for your lovely daughter... God bless!

    ReplyDelete
  8. "sigh" filthy governance! fed up with this issue,hays!

    anyways nice poem...satiric!

    ReplyDelete
  9. nice poem. sana nga may pag-asa pa ang Pinas. minsan kase kahit sabihin natin sa sarili nating may pag-asa pa, iba naman ang nakikita natin. puro bulok na sistema. kaya kaming mag-asawa, trabaho na lang.

    ang asawa ko sa gobyero nagtatrabaho pero iba ang sistema sa kanila. hindi kase income generating agency nila unlike GOCC (GSIS, COA, BIR, etc.) kaya kahit nasa gobyerno sya, taas noo pa rin ako. would you believe ang position nya ay administrative officer V pero ang sweldo nya ay kapareho lang ng janitor sa GSIS?

    ReplyDelete
  10. wow ganda ng post nio kuya. may tama ka :( haay~ mag eeleksyon na panaman din. first time voter po ko.. hirap pumili ng iboboto.

    ReplyDelete
  11. in fairness, magaling ang tula. maganda ang mga imahen.

    http://ficklecattle.blogspot.com/

    ReplyDelete
  12. ang galing! ang linaw kasi ng mensahe. super nice one. parang may pinatatamaan lang naman! hehe

    ReplyDelete
  13. Nice one! I rmember my days na wlang.wla kami sa buhay.. ganyan ung lutuan nmn dati..

    ReplyDelete
  14. Ganoon ang lutuan ng lola ko. Miss na miss ko siya at ang buhay namin doon sa province.

    ReplyDelete
  15. Isa kang makata! Magaling ka magsulat ng tula.

    ReplyDelete